Originally published by Abante TNT
Masaya, nakakatuwa at kakaiba kung ilarawan ni Stephan Markus Schrock ang kanyang bagong papel bilang mentor ngayon ng Azkals Development Team (ADT).
Ayon sa 35-anyos na dating miyembro ng national men’s football, sobrang saya niya nang makatanggap ng tawag buhat sa Philippine Football Federation at ibalita sa kanya ang kanyang bagong posisyon.
“I was very happy when I received the call to be part of the ADT because it is important to groom the next generation of players. I think it’s pretty important for young players to have someone to lean on, someone who went through lots of ups and downs,” anang 5-foot-7 attacking midfielder, winger Huwebes.
Hinirit ng newly-appointed coach, na ibabahagi niya sa mga batang soccer player ang lahat ng kanyang mga natutunan, naging karanasan sa sport, at sikreto niya para magtagumpay sa karera.
“I’ll try to pass on my experience and values that I picked on during my career,” bulalas ng Fil-German.
Si Shrock ay dating PH Azkal Team skipper na sumabak sa 31st Southeast Asian games sa Hanoi, Vietnam nitong Mayo at kasai ng United City FC na nagkampeon sa 2020 Philippine Football League (PFL).
Lumaki siya sa football at naging bahagi ng iba’t ibang football clubs sa Europa bago naglaro sa Ceres sa Negros.
Mula noon nahasa na ang galing ni Shrock sa football at hindi na nawala pa sa kanya.
“It is important that the players get exposed at a young age so that they can adjust to the intensity to the advanced level of playing and advanced skill level of Filipino players. Therefore, I’m very happy to link up with them and to be part of the team so I can share my knowledge,” panapos niyang sey.